Sunday, November 3, 2019

MALAYANG PAGPAPAHAYAG IV : AYALA-M











AYALA-M

Ibong maliit
Lumilipad sa langit
Malaya at umaawit
Iyong maririnig, kapag pumikit
himig na kay rikit



MALAYANG PAG PAPAHAYAG III : MALAYA






ang imaheng ito ay nakuha lamang sa internet.

                            Malaya                                                       Malaya
                            Pinili kong salita                                                      Pinili kong salita
                             Upang ipadama                                                         Upang ipakita
                               Aking katha                                                               Ang ganda
                           Sa lahat ng madla                                                        Ng literatura


    MALAYA
     Ang aking nadarama
     Sa tuwing gumagawa
    ng mga katha
     na sa puso nag mula

Saturday, November 2, 2019

MALAYANG PAGPAPAHAYAG II : TAWA


MALAYANG PAGPAPAHAYAG I : PAGPAPAKILALA




AKO NGA PALA SI...

Habang pinaglalaruan ko ang tinta ng aking panulat,
Iniisip ko kung paano ko ba ipakikilala ang aking sarili sa lahat.
Paulit-ulit na salita ang tumatakbo sa aking isipan
Paano ko ba ito sisimulan?
Paano ko ba ito sisimulan?
Paano ko ba ito sisimulan?

Halos puro guri ang aking sulatan
Makalat at nakakagulumihanan
Hindi mawari ang tamang salita
Walang pang-uring umaakma.
Saan ako mag sisimula?
Nais kong maganda ang iyong mabasa.

Makatas, malaman, marami kang matututunan.
Ito ang aking mithiin at iyong makakamtan
Sa pagbasa ng bawat taludtod hangad ko ang iyong kasiyahan
Bago mo ipagpatuloy ang pagbasa sa aking munting kasaysayan,
Ngumiti ka, iyan ang aking kahilingan
Hindi ko man nakita, at least aking naramdaman.

Nakilala ako ng aking mga kaibigan,
Bilang taong baon ay katatawanan.
Magilas, at maraming kalokohan,
Kapag ako’y iyong sinamahan
Panigurado, mabubusog ka sa tawanan.

May mga araw na punong-puno ng kasipagan,
Ngunit madalas tinatamaan ng katamaran.
Pero syempre, akin itong nilalabanan
Gamit ang malikhain kong isipan
At magilas na pangangatawan
Pinipilit kong maging aktibo sa paaralan.

Minsan na akong nilamon ng kalungkutan
Dulot ng mapait na nakaraan
Itong dalagang nadarang sa panandaliang kasiyahan
Nawili sa pag-ibig na ‘di alam ang kahahantungan
Nagpadala sa mga pangakong walang kasiguraduhan
Kaya’t sa huli natalo at nasaktan.

Ngunit ang kabiguaan ang nagturo sa akin
Na ang sarili ang dapat unahing mahalin
Maraming pagkakataoon na hindi ako pipiliin
Ngunit dapat itong harapin at tanggapin
Dahil ang pag-ibig, kung pipilitin,
Kahit ano pa ang naisin hindi ka diringgin.

Balikan ko sandal ang aking kabataan,
Kung saan wala akong mabigat na problemang iniiyakan.
Kung saan lahat ng aking gawin ay kinagigiliwan
Sumayaw at madapa, umiyak dahil nasugatan?
Kumanta at pumiyok, umiyak dahil tono ‘di matamaan?
ano man ang gawin ko katutuwaan.

Noon,ganyan
Ngayon,kapintasan
Kapag nadapa,pupunahin ang kasalanan
Kapag nagkamali,magandang nagawa malilimutan
Kaya napuno ng pagdududa aking katawan
Nakalimutan sariling kagandahan

Ngunit hindi pinairal ang galit at pait
Bagkus ginawang aral ang lahat ng sakit
Isinabuhay na ang sakit ay dulot ng pagmamalasakit
Pagmamalasakit na humbog sa akin at nagpabatid
Na ang kamalian? May magandang hatid,
Na walang tamis? Kung walang pait.

Katiting lang ito ng aking pinagdaanan
Pero hindi ko na ilalahad pa ang ilan
Dahil masyado nang mahaba ang aking kasaysayan
Nais ko namang iyo ang mapakinggan
Magkwento ka naman.
Kapag nagtagpo tayo sa daan.

Ay! oo nga pala,
Nakalimutan ko na
Ah! Magpakilala,
Oo, tama.
Ako nga pala si
ANGELOU ang may katha.

MALAYANG PAGPAPAHAYAG IV : AYALA-M

AYA LA- M Ibong maliit Lumilipad sa langit Malaya at umaawit Iyong maririnig, kapag pumikit himig na kay ri...