Iniisip ko
kung paano ko ba ipakikilala ang aking sarili sa lahat.
Paulit-ulit
na salita ang tumatakbo sa aking isipan
Paano ko ba
ito sisimulan?
Paano ko ba
ito sisimulan?
Paano ko ba ito
sisimulan?
Halos puro
guri ang aking sulatan
Makalat at
nakakagulumihanan
Hindi mawari
ang tamang salita
Walang
pang-uring umaakma.
Saan ako mag
sisimula?
Nais kong
maganda ang iyong mabasa.
Makatas,
malaman, marami kang matututunan.
Ito ang
aking mithiin at iyong makakamtan
Sa pagbasa
ng bawat taludtod hangad ko ang iyong kasiyahan
Bago mo
ipagpatuloy ang pagbasa sa aking munting kasaysayan,
Ngumiti ka,
iyan ang aking kahilingan
Hindi ko man
nakita, at least aking naramdaman.
Nakilala ako
ng aking mga kaibigan,
Bilang taong
baon ay katatawanan.
Magilas, at
maraming kalokohan,
Kapag ako’y
iyong sinamahan
Panigurado,
mabubusog ka sa tawanan.
May mga araw
na punong-puno ng kasipagan,
Ngunit madalas tinatamaan ng katamaran.
Pero
syempre, akin itong nilalabanan
Gamit ang
malikhain kong isipan
At magilas
na pangangatawan
Pinipilit
kong maging aktibo sa paaralan.
Minsan na
akong nilamon ng kalungkutan
Dulot ng
mapait na nakaraan
Itong
dalagang nadarang sa panandaliang kasiyahan
Nawili sa
pag-ibig na ‘di alam ang kahahantungan
Nagpadala sa
mga pangakong walang kasiguraduhan
Kaya’t sa
huli natalo at nasaktan.
Ngunit ang
kabiguaan ang nagturo sa akin
Na ang
sarili ang dapat unahing mahalin
Maraming
pagkakataoon na hindi ako pipiliin
Ngunit dapat
itong harapin at tanggapin
Dahil ang
pag-ibig, kung pipilitin,
Kahit ano pa
ang naisin hindi ka diringgin.
Balikan ko sandal
ang aking kabataan,
Kung saan
wala akong mabigat na problemang iniiyakan.
Kung saan
lahat ng aking gawin ay kinagigiliwan
Sumayaw at madapa,
umiyak dahil nasugatan?
Kumanta at
pumiyok, umiyak dahil tono ‘di matamaan?
ano man ang
gawin ko katutuwaan.
Noon,ganyan
Ngayon,kapintasan
Kapag
nadapa,pupunahin ang kasalanan
Kapag
nagkamali,magandang nagawa malilimutan
Kaya napuno
ng pagdududa aking katawan
Nakalimutan sariling kagandahan
Ngunit hindi
pinairal ang galit at pait
Bagkus
ginawang aral ang lahat ng sakit
Isinabuhay
na ang sakit ay dulot ng pagmamalasakit
Pagmamalasakit
na humbog sa akin at nagpabatid
Na ang kamalian?
May magandang hatid,
Na walang
tamis? Kung walang pait.
Katiting lang
ito ng aking pinagdaanan
Pero hindi
ko na ilalahad pa ang ilan
Dahil masyado nang mahaba ang aking kasaysayan
Nais ko namang
iyo ang mapakinggan
Magkwento ka
naman.
Kapag
nagtagpo tayo sa daan.
Ay! oo nga pala,
Nakalimutan
ko na
Ah!
Magpakilala,
Oo, tama.
Ako nga pala si
ANGELOU ang may katha.
No comments:
Post a Comment